Tanga ba ko?
Dati talaga alam kong ako talaga yun. Tanga. Pero natututo din ako. Hindi ko na nga ginagawa yung mga bagay na ikauulit ngayon eh. Minsan sa ibang bagay. Pero sa ibang bagay na ‘yon. Osige lahat na nga lang ng bagay big deal ah. Eh alam ko na ngayon yung mga bagay na tinuro sakin noon eh. Pero sa tingin ko talaga hindi na ako yung tanga. Yung parents ko kung kausapin ako, para akong tanga. Tapos kapag may tangang nagawa, magagalit. Ewan ko. Ang childish ko pa din. Ako lang din siguro yung tanga talaga.
Sana hindi na lang tumatawag dito sa bahay si Tita. Tutal ayaw naman siyang kinakausap ng lola ko eh. Tumawag na lang siya kapag magpapadala siya ng pera kay lola.
Good morning :)
Hindi ko alam ang nangyari ngayong umaga. Haha :D Nagising kami ni JM ng 6am para magjogging. Isang oras lang kaming nasa court tapos umuwi na kami. Bumili kami ng bread sa labas ni JM. Pagkatapos magbreakfast, magikot daw kami, maghahanap siya ng kalaro. Nakita namin si Christian sa court tapos umuwi na kami. Nagbalak akong pumunta sa court. Ewan ko kung bakit. Gusto ko lang ata makita si Christian. Ang attractive niya kasi bwiset. Pero umuwi na lang ako at natulog. Kakagising ko lang ulit ngayon.
Morning :<
Okay pa ko kaninang umaga talaga eh. Volleyball and basketball with friends. Nandun din si Adriane :>
Tumawag si Tita sa bahay eh hindi pa tapos magbanlaw yung lola ko, so ako muna pinakausap sa pinsan ko. Gusto ko na magbyebye kasi yung sinaing ko masusunog na. Edi tapos na magbanlaw yung lola ko. Kumain siya. Tapos pagkatapos niya kumain, hindi man lang niya sinabi na siya na kakausap sa phone. Aba, nanuod pa talaga ng tv. Ka-bv eh. Sunog na sunog yung sinaing ko BWISET. Siya yata yung bad vibes dito sa bahay eh. Ka-bv!
Pinagtripan ako ng kapatid ko kagabi. Natext siya ng mga 1am. Eh hindi pa naman nakaregister yung number niya sakin. Kabisado ko kasi.
1:02 Hello there :))
1:03 You want me to call you? Hahaha.
1:04 Hi po, ang ganda niyo po -adrian
1:05 Pero mas maganda pa rin si maja… sa paningin ng mga bulag.
Sira ulo eh. Hahaha. Mali pa spelling ng pangalan ni Adriane. Hahaha
Parang boyfriend lang ang peg ng little brother ko today.
Unusual kasi kapag dito ako sa garahe namin nagla-laptop. So yung little brother ko, lumalabas siya ng bahay namin every now and then. Bakit daw ako nandito. Tapos nung kausap ko si Martin, nandito din siya, nag-iingay. Chismoso. <///3 Hahaha. Tapos lumabas lang ako ng gate namin para magtapon ng basura, sabi niya, “Saan ka pupunta?” Yun din sabi niya nung niyaya ako ni Martin mag-movie trip. Kala mo bantay sarado ako sa kanya eh. Haha. Bwisit =))
Okay so tinanggihan ko yung alok ng friends ko na magbonding kami ulit ngayon. Partida, pinuntahan pa nila ako dito sa bahay. Ipinagpalit ko sila sa internet <///3 Bad decision, Dawn. Bad decision. :( Sana tawagan nila ako or ako ang dapat na tumawag sa kanila? :((
Morning bonding with Adriane.
Shems! :”“>
Past 6 am, I was jogging around the basketball court with JM. It’s kinda awkward for me because the couples, Zhary and Renzo were there but I told myself just not to mind them. Just few minutes later, JM and I rest at the bench. My friends and I have a plan to play volleyball at 6:30 am but it was almost 6:30 am and none of them haven’t showed up yet. Then I heard bounces of a ball at my back. I didn’t mind at first but it was Adriane who showed up!! :”“> He already made my day :D Haha. He played one on one basketball with his cousin and I just almost couldn’t hide my kilig :D Later, Anne appeared and we got bored waiting for Roselyn to show up, as well as Gela. It was already past 7 when Roselyn appeared. She brought no volleyball ball. Anne called up TJ for the ball. He then appeared with the ball. Roselyn, Anne and I played at the edge of the court while other boys played basketball, whole-court. I’ve told the girls, I was just going home to take my medicine. When I came back, Christian, Adriane, TJ, Anne, Gela, and Kyla were already playing volleyball. Roselyn’s gone.
I was happy when I played with them of course. Even more happy when I get teamed with Adriane both in volleyball and basketball. I never thought I’d have this day. Thank you, Lord :D I never expect this. And I should continue to avoid daydreaming because I think that’s much better. Haha <3
Si Zhary (iloveyourhumor) pala yung madlang flower vendor kanina sa Showtime. Cool B)
First day of school: SO TELL US ABOUT YOURSELF.
YOU:

I’m a buff baby that can dance like a man,
I can shake-ah my fanny I can shake-ah my can!
I’m a tough tootin’ baby, I can punch-ah yo buns!
Punch-ah yo buns, I can punch-all yo buns!
If you’re an evil witch, I will punch you for fun!
Parang gusto ko lumipat na ng bahay..
-__- Parang lang. Dati, hindi ko talaga maiwan ‘tong bahay namin ngayon. Eh pano ba naman kasi 19 years na ko dito. Nakasanayan ko na. Madami ding memories siyempre. Kaso parang napasukan na yata yung bahay namin ng bad vibes eh. Kahit saan kasi nandun siya. Palagi nang may nag-aaway dito. Kung hindi yung tito ko at yung lola ko, yung tita ko naman at yung lola ko. Pati parents ko. Sana lumipat na kami ng bahay. Itataboy namin yung bad vibes. Baka sakaling umokey na, magkaroon ng mas magagandang memories dun sa lilipatan namin, at mabawasan ng mga gagawin na hindi naman kailangan gawin at madagdagan yung mga gawain na dapat naman talagang gawin. Whew! Haha. Ayun, basta mag-improve yung pamumuhay namin. :)
The Less & The Fortunate.
Okay. This is not some movie review. Nor about a movie. Its about my relatives..
Sa side ng mom ko, mahirap lang yung mga lolo, lola, tita, tito, and pinsans ko. Sa side naman ng dad ko, mayaman yung mga tita, tito, and pinsans ko. Hindi ko lang magawang hindi mapansin at macompare sila. Pero yung sa side ng mom ko, kahit mahirap sila, masaya naman. As in masaya, yung walang kulang at walang hahanapin pa. Basta masaya, edi masaya. Unlike sa side ng dad ko, sobrang big deal pa lahat ng bagay. Kakain ka na lang, madalas may reklamo pa. Magsusuot ka lang ng damit, may sinasabi pa. Nagtatawanan nga pero hindi ganoon na masasabi mong masayang masaya. Atska, palagi pang may alitan, awayan, reklamo, kampihan dito, kampihan doon. Tapos palaging parang may kulang pa. Kaya mas hinahanap hanap namin ng kapatid ko yung bonding kasama yung side nila Mama. Kasi dun, palaging masaya. Kahit may problema, tulong tulong, tapos masaya pa din. Sa totoo lang, yun lang naman nakikita ko sa side nila Mama. Natatakpan ng saya yung mga problema at kahit anumang bad vibes.

